Wednesday, August 26, 2026

Pagpapaliban ng BSK Elections ngayong Nov. 2, 2026, inaprubahan na sa subcommittee ng Senado

Inaprubahan na ng Senate Subcommittee on Local Government ang panukalang batas na naglalayong iurong ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa November 2 at gawing limang taon ang termino ng mga opisyal ng BSK.

Ayon kay Senator Chiz Escudero, Chairman ng subcommittee, sa loob ng linggong ito isusumite niya sa plenaryo ang committee report para kaagad na itong magpagdebatehan.

Iginiit ni Escudero na layon din ng Senate Bill 2387 na isaayos ang pagdaraos ng kambal na eleksyon para hindi na maulit ang cycle na paulit ulit na pagsuspinde rito ng Kongreso at para rin maiwasan ang pag-o-overlap o pagsabay nito sa national at local elections sa loob ng isang taon.

Sa Facebook post, ipinahayag ni Senator Imee Marcos ang pagkalugod na hindi matutuloy ang BSKE sa November na aniya ay noong 2024 pa niya sinasabi.

Umaasa naman si COMELEC Chairman George Erwin Garcia na magdedesisyon dito ang Kongreso sa lalong madaling panahon dahil nakatakda na sa Setyembre ang filing ng certificate of candidacy (COC) para sa BSKE.

Facebook Comments