Drug Operation ikinasa sa Banisilan, 1 Patay

Nakarecover ng baril at granada ang mga otoidad sa ikinasang magkahiwalay na operasyon umaga ng sabado partikular ang pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng 34th Infantry at Banisilan MPS .

Unang naging target ng operasyon ang isang Buenvinido Gumban na sinasabing sangkot sa illegal drug trade, ngunit habang patungo pa lamang sa area ang mga otoridad ay agad silang pinaulanan ng bala resulta ng kamatayan ng suspek.Narecover sa posisyon ni Gumban ang caliber 45 at 3 piraso ng shabu.

Samantala sa ikalawang operasyon , nakatakas ang target na si Wilmer Oriendo .Di umanoy natunugan ng suspek ang paparating ng mga elemento ng pulis at military .Ngunit narecover sa area nito ang isang granada, caliber 45, isang bandoler na naglalaman ng magazine at bala.


Pinuri naman ni MGen Arnel Dela Vega ng 6th ID ang matagumpay na operasyon ng mga lemento 34th IB at PNP.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments