MALAWAKANG GRASS CUTTING SA BONUAN GUESET, PINALAKAS ANG KAMPANYA PARA SA KALIGTASAN AT DISASTER PREPAREDNESS

Malawakang grass cutting at clean-up activity ang isinagawa sa Sitio Maligaya, Barangay Bonuan Gueset noong June 13 bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng lungsod para sa kaligtasan, kaayusan, at paghahanda sa sakuna.

Ayon sa mga opisyal, ang mga napabayaang lugar ay maaari ring maging pamahayan ng mga lamok, daga, ahas, at iba pang peste na nagdudulot ng panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga residente.

Bukod sa paglilinis ng kapaligiran, isinusulong din ang wastong pamamahala ng basura, composting, urban gardening, at mas malawak na partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng komunidad.

Layunin ng aktibidad na mabawasan ang panganib ng sunog sa pamamagitan ng pagputol at paglilinis ng matataas na damo sa mga bakanteng lote na maaaring pagmulan ng apoy at iba pang banta sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments