
Wala pang pahayag ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa umuugong na umano’y pagpapalit ng bagong kalihim.
Ito ay matapos lumabas sa social media na kabilag ang kagawaran sa magkakaroon ng balasahan.
Sinabi ng mamamahayag na si Mon Tulfo sa kaniyang social media post na si dating Interior Secretary Benhur Abalos umano ang mauupong bagong Justice Secretary sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, nananatiling kalihim ng DOJ si Secretary Eric Vida na itinalaga noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Wala namang kasalukuyang hawak na posisyon si Abalos na dahil sa one year ban nang tumakbo ito bilang Senador noong 2025 elections.
Si Vida na dating DOJ Undersecretary ang pumalit kay dating Secretary Jesus Crispin Remulla nang italaga ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bagong Ombudsman.










