
Sen. Bato dela Rosa, ibinasura ang panawagan ng limang senador mula sa minorya na sumuko sya sa proper authorities
Ibinasura ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang resolusyon na humihimok sa kanya na boluntaryong sumuko sa mga otoridad.
Sa gitna ng paglabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) ay naghain ng resolusyon ang limang senador mula sa minorya na sina Senate Minority Leader Tito Sotto III, Senators Ping Lacson, Risa Hontiveros, Bam Aquino at Kiko Pangilinan na humihiling sa buong Senado na hikayatin si Sen. Bato na sumuko na sa mga proper authorities at sumailalim sa judicial remedies na naaayon sa Konstitusyon at sa batas.
Sinabi ni Dela Rosa na self-preservation lagi, may mga available na remdyo at hindi option ang pagsuko.
Mensahe pa ni Dela Rosa sa limang senador, huwag masyadong atat na ikulong siya.










