Mga senador, nagkakaisa ng paninindigan sa isyu ng 2019 budget

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda na mayroong mga senador ang hindi sang-ayon sa paninindigan ni Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo Ping Lacson kaugnay sa 2019 budget.

Tugon ito ni Legarda sa pahayag ni House Minority Leader Danny Suarez na mayroong silent majority ng mga Senado na hindi umaayon sa pagkontra nina Sotto at Lacson sa house version ng 2019 budget.

Ayon kay Suarez, si Legarda mismo ang nagsabi nito sa kanya.


Pero diin ni Legarda, mali ang nabanggit na impormasyon dahil sa simula pa lang ay walang duda na lahat silang mga senador ay nakasuporta kay Sotto kaugnay sa 2019 budget.

Ang nabanggit na pahayag ni Legarda ay pinatotohanan naman ni Senator Joel Villanueva.

Facebook Comments