DSWD, naka-heightened alert na kasunod na pagsabog sa Bulkang Kanlaon

Handang-handa na ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na handa na silang magpadala ng family food packs sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao na tiniyak nila sa publiko na makararating sa mga biktima ang family food packs na kanilang ipapadala sa mga apektadong pamilya.

Paliwanag pa ni Dumlao na itinaas na sa ‘heightened alert’ ang national resource operation center sa Pasay at Visayas disaster response sa Cebu, ito ay matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon kaninang umaga.

Dagdag pa ni Dumlao na 250,000 boxes ng family food packs ang naka-preposition na sa warehouses ng DSWD Field Office Field Office 6 – Western Visayas at 7-Central Visayas bago pa man sumabog ang bulkan.

Talaan ng DSWD, aabot sa 2,605 na pamilya o 8,313 na indibidwal ang namamalagi sa 22 evacuation centers ang mga residente ang mga residente mula sa paligid nito.

Nabatid na nasa 3,574 na pamilya o 11,583 na indibidwal ang kasalukuyang namamalagi naman sa kanilang mga kaanak.

Facebook Comments