Friday, July 17, 2026

Mga operational fuel station para sa ₱10 per liter fuel subsidy sa buong bansa, nadagdagan pa ayon sa DOE

Mahigit 1,000 na ang mga operational fuel stations na handang magbigay ng P10 kada litro na fuel subsidy program upang mas maraming public utility jeepney (PUJ) at UV Express drivers ang makinabang saan mang panig ng bansa.

Mula sa dating 930 stations nationwide na operational stations ay naging 1,187 na ito.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin, ang pagpapalawag sa naturang programa ay sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo na bahagi ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program ng pamahalaan.

Ani Garin, layunin ng programa na gawing mas accessible, mabilis at maginhawa ang pag-avail ng fuel assistance para sa mga tsuper na umaasa sa araw-araw na pasada para sa kanilang kabuhayan.

Sa ilalim din ng fuel subsidy program, may matatanggap na P1,500 ang bawat PUV kada linggo sa loob ng tatlong buwan.

Pumasok ang naturang programa ng DOE kasunod ng pagtatapos ng contracting program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong buwan ng Mayo.

Facebook Comments