
Hinihikayat ng Atin Ito Coalition ang gobyerno na dagdagan pa ang mga hakbang para masiguro ang laban sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Kabilang dito ang pagdaragdag pa ng mga barko at tauhan na magagamit ng Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Navy sa pagbabantay sa mga dagat na sakop ng bansa.
Nais din nilang ipadeklara ang July 12 bilang WPS Victory Day dahil dito inilabas ang arbitral award pabor sa Pilipinas.
Binigyang pagkilala rin ng koalisyon ang BFAR, PCG at Philippine Navy sa kanilang paninindigan para ipaglaban ang teritoryo ng bansa at interes ng bawat Pilipino.
Kasabay nito, inihayag ng Atin Ito Coalition ang plano nilang magsagawa ng panibagong paglalayag sa WPS matapos ang eleksyon.