DSWD, nakapag-preposition na ng ayudang pagkain sa Bicol region sa harap ng pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan

Nakapag-preposition na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na higit sa 180,000 na family food packs sa Bicol Region para sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Bulusan.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit 25,000 na ng mga kahon ng pagkain ang naka-standby na sa lalawigan ng Sorsogon na handa nang ipamahagi sa mga pamilyang maaapektuhan ng aktibidad ng bulkan.

Bagama’t hindi pa inirerekomenda ng DSWD ang evacuation, nakahanda na ang DSWD Field Office na mabilis at maayos na maihatid ang mga tulong sa mga apektadong pamilya.

Patuloy na nakikipag-ugnay ang ahensya sa mga LGUs at sa PHIVOLCS at pinapayuhan ang publikong manatiling kalmado at makipagtulungan sa kani-kanilang lokal na Disaster Risks Reduction Management Offices.

Facebook Comments