DSWD Sec. Tulfo, nagbabala sa mga nagpapautang na tumanggap ng 4Ps cash card bilang pambayad

72

Nagbabala si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na makukulong ang loan sharks o mga nagpapautang na tumatanggap ng isinanlang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) cash cards mula sa mga benepisyaryo nito.

Ito ay kasunod ng natanggap na ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may mga miyembro ng 4Ps na nagsasanla ng cash card sa mga loan shark kapalit ng kanilang utang.

Ayon kay Tulfo, naniningil ang mga loan shark ng 20 hanggang 40 percent sa kabuuan makukuha kung kaya’t nababawasan ng halos 40 percent ang ibinibigay na monthly assistance ng gobyerno sa mga benepisyaryo ng 4Ps.


Giit ng kalihim na labag ito sa batas at titiyakin niyang sa kulungan ang bagsak ng mga gagawa nito.

Samantala, plano ring tanggalin ni Tulfo ang nasa isang milyong benepisyaryo ng naturang programa na hindi na kwalipikadong tumanggap ng cash aid mula sa gobyerno.

Facebook Comments