Saturday, September 12, 2026

Senate Impeachment Court, nanawagan sa publiko na patuloy na magtiwala sa mga senator-judges

Umapela si Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol sa publiko na huwag mawalan ng tiwala sa mga senator-judges sa gitna ng posibilidad na baguhin ang baseline ng voting threshold para sa paghatol kay Vice President Sara Duterte.

Sa gitna na rin ito ng lumulutang na sentimyento ng publiko na kaya binuhay ng ilang senator-judge ang usapin sa pagbabago ng voting threshold ay para madaling ma-convict ang bise presidente.

Sinabi ni Tongol na walang pinagkaiba ang mga senator-judges sa taumbayan na may mga katanungan din at para matapos na ang kwestyong ito sa isyu ng voting threshold ay mainam na maresolba ang usaping ito.

Sadya aniyang may mga senator-judges ang magkakaiba ang pananaw na kailangan na talagang resolbahin lalo’t nasa 20 na lamang ang mga senator-judges na dumadalo sa impeachment trial.

Facebook Comments