
Cotabato at Maluso, Basilan, isinailalim na sa COMELEC Control
Nagdesisyon ang Commission En Banc na ilagay ang Cotabato City sa ilalim ng COMELEC Control.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ito’y dahil sa ilang insidente ng pagpapaputok ng baril at nangyaring pagsabog kung saan isang IED o Improvised Explosion Device ang ginamit.
Dagdag ni Garcia, mismong nagdala ng IED ang siyang nabiktima ng naganap na pagsabog.
Inilagay din sa COMELEC control ang Maluso, Basilan bago magsimula ang botohan.
Sinabi ni Garcia, nalaman nila na 36 mula 68 presinto ay nagkaproblema sa mga balota.
Aniya, ang mga nasabing balota ay napre-shade na at natukoy na rin nila kung sino ang nasa likod nito.
Kaagad naman ipinag-utos ni Garcia ang reprinting ng mga balota sa 36 presinto habang umaarangkada na ang 2026 BARMM Parliamentary Elections.










