
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East.
Ayon sa Pangulo, tututukan ng gobyerno ang mga bagay na kaya nitong kontrolin, kabilang ang suplay at presyo ng pagkain, habang patuloy ang ayuda sa mga pamilyang nangangailangan.
Kasabay nito, isinusulong ng Pilipinas ang pangmatagalang kasunduan sa Vietnam para sa suplay ng bigas.
Kabilang sa pinag-uusapan ang presyo at long-term rice import contract.
Layunin nitong matiyak ang sapat na bigas at makatulong na mapababa ang presyo ng pagkain.
Facebook Comments










