
Iimbitahan ng Senate Impeachment Court ang mga dating Chief Justice at mga dating mahistrado ng Korte Suprema para sa gagawing pagdinig sa September 16.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, tatlo hanggang limang legal experts ang posibleng imbitahan para magbigay ng opinyon sa isyu ng voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Hindi naman pinangalanan ni Gatchalian ang mga iimbitahang amici curiae pero ang mga ito ay kilalang eksperto pagdating sa ating Konstitusyon na karaniwan na ring naririnig at nakikita sa media.
Bibigyan ng authority si Presiding officer Chiz Escudero na mag-imbita ng mga amici curiae o “friends of the court”.
Magiging sentro naman ng talakayan ay kung may legal o constitutional basis para baguhin ang kasalukuyang 24-senator voting base, at posibleng ibaba ang kinakailangang boto para sa impeachment.










