DZXL 558 Radyo Trabaho team, lalabas na sa Metro Manila para sa PESO visits ngayong araw

33

Sa pagkakataong ito, bibisitahin ng grupo ang provincial PESO ng Bulacan.

Matapos ang dalawang taon, muling haharap ang Radyo Trabaho team kay Bulacan Public Employment Service Office (PESO) Manager Atty. Kenneth Lantin.

Matatandaan, November 2019 pa huling nag-cover ang Radyo Trabaho team sa Livelihood and Job Fair ng Malolos, Bulacan.


At dahil sa kaliwa’t kanan na restrictions ng pandemya, ay hindi na muna nabigyan ng pagkakataon na makabalik sa Bulacan PESO.

Magkagayunman, suki naman ng Usapang Trabaho program ang Bulacan PESO sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon at gabay sa trabaho.

Samantala, ang DZXL 558 Radyo Trabaho ay naghahanap ng Reporter at News Writer.



Maaring magsadya sa aming himpilan sa 4th GCC Mall, Guadalupe Nuevo, EDSA, Makati City o i-send ang kopya ng inyong resume sa radyotrabaho@gmail.com.

Facebook Comments