DZXL Radyo Trabaho, muling mag-iikot sa mga barangay sa Metro Manila

Simula ngayong araw, muling mag-iikot sa mga barangay sa Metro Manila ang DZXL Radyo Trabaho team.

Dahil sa patuloy na pagkilala sa Radyo Trabaho, ihahatid natin sa ating mga kasama ang mga personal na serbisyo at sorpersa sa mga barangay.

Kaya sa mga wala pang trabaho, abangan ninyo ang aming Radyo Trabaho team sa ilang mga barangay sa Pasay City.


Partikular sa Brgy. 186, 184, 180 at 179 kung saan kakatok kami sa mga bahay upang personal na kunin ang inyong mga resume at ihanap kayo ng swak na trabaho.

Layon ng din DZXL Radyo Trabaho na kilalanin ang mga magandang nagawa ng barangay at matulungan na humanap ng solusyon sa problema ng kawalan ng trabaho ng ilan nilang residente.

Sa mga walang trabaho naman, manatiling makinig at manood sa iba’t ibang programa ng DZXL Radyo Trabaho at abangan ang job openings na aming iaanunsiyo.

Maari din kayong magpunta ng personal sa DZXL Radyo Trabaho sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Kung gusto niyo naman ay magpadala ng updated resume sa dzxlradyotrabaho@gmail.com o tumawag sa aming hotline 8882-2370.

Facebook Comments