Thursday, September 24, 2026

Online safety ng mga kabataan, tinalakay nina First Lady Liza at Melania Trump

COURTESY: Liza Marcos/Facebook

Nakikiisa si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagsusulong ng kaligtasan ng mga bata sa internet, kasunod ng pagdalo sa luncheon kasama si U.S. First Lady Melania Trump at iba pang first spouses sa New York.

Sa pagtitipong “Fostering the Future Together,” tinalakay ang mga panganib na kinakaharap ng mga bata sa digital world at ang pangangailangang protektahan sila laban sa online abuse at mapanganib na mga website.

Ayon kay First Lady Liza, ang kalagayan ng mga kabataang Pilipinong nabiktima ng tinawag niyang “creepy websites,” na naglalantad sa mga bata sa panganib sa internet.

Ginanap ang luncheon noong Setyembre 22 sa St. Regis Hotel sa New York.

Facebook Comments