
Mariing binatikos ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima ang pagbangga ng barko ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagsasagawa ito ng misyon para maghatid ng fuel subsidy sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay De Lima nagkakamali ang China kung akala nito na tumataas ang tingin sa kanila ng mundo sa paulit-ulit na ginagawa nilang kawalanghiyaan.
Giit ni De Lima, lalong nagmumukhang talunan ang China sa usapin ng karapatan sa West Philippine Sea dahil sa ginagawa nilang karahasan, pagbabanta sa buhay, at pagkakait ng kabuhayan sa mga mangingisdang Pilipino para lang angkinin ang hindi naman kanila.
Diin pa ni De Lima, na kung nasanay man China sa pagiging sunud-sunuran ng nakaraang administrasyon ay dapat nitong tandaan na hindi pasisiil ang mga Pilipino lalo na sa sariling teritoryo.










