DZXL Radyo Trabaho Team, magpapatuloy ang pag-iikot sa Pasay City

Muling aarangkada na ngayong umaga sa Pasay City ang DZXL Radyo Trabaho Team para sa “Katok Bahay, Sorpresa Trabaho” ng DZXL Radyo Trabaho na inyong gabay sa hanapbuhay.

Ang DZXL Radyo Trabaho Team ay magtutungo ngayong umaga sa mga barangay kaya’t ihanda niyo na ang inyong biodata o resume dahil kakatok kami sa inyong pintuan at ia-apply namin kayo ng trabaho lalo na ang Barangay 161, 162, 158 at 183 sa Pasay City.

Matutuwa kayo dahil mamimigay kami ng exclusive Radyo Trabaho wall clock sa maswerteng residente.


Pero bago kami mag-ikot ay magko-courtesy call muna ang Radyo Trabaho Team sa nasabing mga barangay at mangangamusta sa kanilang mga programa at proyekto para sa kanilang mga nasasakupan.

Nitong Miyerkules, naging mainit naman ang pagtanggap ng Barangay 179, 180, 184 at 186 sa ating Radyo Trabaho Team, hiling nila na makapagsagawa ng job fair sa kanilang barangay.

Samantala, kung ikaw ay broadcasting, mass communication graduate o may puso sa radyo, ang DZXL Radyo Trabaho ay nangangailangan ng production assistant at digital media assistant.

Sa mga interesado, ipadala ang inyong updated resume sa dzxlradio@yahoo.com o dzxldigital@gmail.com.

Facebook Comments