EDSA Busway, hindi tatanggalin ng bagong DOTr chief

Tiniyak ni Transportation Secretary Vince Dizon na mananatili ang EDSA Busway at mas pagagandahin pa ito para maging mas episyente sa mga commuter.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na pinag-aaralang alisin ang EDSA Busway oras na tumaas ang ang kapasidad ng Metro Rail Transit o MRT-3, bagay na umani ng negatibong reaksyon mula sa publiko.

Ayon kay Dizon, nananatiling mahalagang bahagi ng pampublikong transportasyon ang EDSA Busway hanggang sa kasalukuyan.

Dahil dito, makikipagtulungan ang Department of Transportation (DOTr) sa MMDA at Department of Public Works and Highways (DPWH) para mapabuti ang sistema nito.

Bukas din si Dizon na ituloy ang privatization ng Busway para sa modernisasyon nito.

Plano rin ng kalihim na bumiyahe at sumakay sa EDSA Busway sa mga susunod na linggo para maranasan ang pinagdadaanan ng mga commuter.

Facebook Comments