Balasahan sa ilalim ng bagong liderato ng DOTr, asahan na!

Asahang magkakaroon ng balasahan sa Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng bagong pamumuno ni Secretary Vince Dizon.

Ayon kay Dizon, hindi dapat magsayang ng oras para maisakatuparan ang mahahalagang proyekto ng ahensya.

Kaya naman asahan na aniyang may bagong undersecretaries na papasok na may malalawak na karanasan at professionals.

Pero paglilinaw ni Dizon, may mga opisyal pa rin naman mare-retain dahil tatlong taon nalang ang natitira sa administrasyon.

Mahigpit na direktiba aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilisan ang pagbibigay ng mga serbisyong na dapat matanggap ng publiko.

I-a-anunsyo na lamang aniya ng Malacañang kung sino ang bagong itatalagang opisyal sa DOTr.

Facebook Comments