Elavil bus, sinuspinde ng LTFRB

Naglabas na ng preventive suspension ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa Elavil Tours Phils, Inc.

Ito ay matapos masangkot sa aksidente ang isa sa mga bus unit nito noong Huwebes (May 16) sa Tagkawayan, Quezon na ikinasugat ng 20 pasahero.

Sakop ng suspensyon ang 10 bus units ng Elavil na nasa ilalim ng case number 2007-1991st.


Hinihingan din ng LTFRB ang Elavil ng sagot at depense upang hindi masuspinde ang kanilang Certificate of Public Convenience (CPC).

Pinasu-surrender din sa LTFRB ang “for hire plates” ng kanilang mga bus na sakop ng suspensyon, GPS recording, video clip mula sa dashcam ng bus at CCTV ng unit.

Binigyan ng LTFRB ang bus company hanggang May 24, 2019 para makapag-comply.

Pinahaharap din ang operator ng Elavil at driver ng naaksidenteng bus sa pagdinig sa LTFRB sa May 29, 2019 alas 9:00 ng umaga.

Facebook Comments