
Pormal nang binuksan ang EKlipse na pinakabagong family thrill ride sa Enchanted Kingdom sa Santa Rosa City, Laguna.
Ang nasabing kakaibang thrill ride ang siyang kauna-unahan sa buong Southeast Asia na talagang ipinagmamalaki ng Enchanted Kingdom.
Ayon kay Nico Mamon, ang Head ng Integrated Marketing & Organization Development and Corporate Planning ng nasabing theme park, ang bagong ride na EKlipse ay bilang regalo nila sa publiko kasabay ng nalalapit na pagdiriwang nila ng ika-30 anibersaryo.
Nais nila na maransan sana ng bawat isa ang bagong ride na maaari din maging kasiyahan ng kada pamilya.
Tinawag na EKlipse ang nasabing ride matapos tanungin mismo ng Enchanted Kingdom ang publiko kung ano ang mais nilang ipangalan dito noon pang nakaraang taon.
Target ng pamunuan ng Enchanted Kingdom na masigurong hindi malilimutan at magiging masaya ang lahat ng magtutungo rito kung saan nasa 27 amusement ride bukod pa sa mga pasyalan at palaruan ang maaaring i-avail.