Marikina Rep. Stella Quimbo at Miro Quimbo, inisyuhan din ng show cause order ng Comelec

May 19 na kandidato pa ang inisyuhan ngayon ng show cause order ng Commission on Elections (Comelec).

Ang mga ito ay pinagpapaliwanag kaugnay sa alegasyon ng posibleng vote buying at abuse of state resources.

Batay sa pinakahuling listahan, kabilang dito si Marikina Rep. Stella Quimbo na tumatakbong alkalde ngayon ng lungsod.

Kasama rin sa inaakusahan ng vote buying at pinagpapaliwanag ng Comelec si Romero Miro Quimbo na kumakandidato namang kongresista ng Unang Distrito ng Marikina.

Bukod sa kanila, ilang kandidato sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang inisyuhan ng show cause order ng Comelec.

Facebook Comments