
Nakapag-imbak ang National Food Authority (NFA) ng reserbang bigas na katumbas ng 7.17 million na sako ng bigas.
Ito ag sapat para pakainin ang mga Pilipino sa loob ng siyam na araw.
Ito ang pinakamataas na inventory level ng ahensiya simula noong katapusan ng 2020, at nakatulong sa mataas na buying price ng palay mula P27 per kilo noong nakalipas na taon at tinatayang P24 kada kilo ngayong taon.
Sa kabila ng mataas na reserba, tiniyak ni NFA Administrator Larry Lacson sa mga lokal na magsasaka ng palay na mayroon pa ring sapat na pondo ang ahensiya para bumili ng mas marami pang palay.
Ayon pa kay Lacson, maaari pang makabili ang NFA ng tinatayang 500,000 metriko tonelada ng palay, katumbas ng tinatayang 6.3 million bags ng giniling na bigas.
Sa ilalim ng inamiyendahang Rice Tariffication Law (RTL), inatasan ang NFA na magmantini ng 15 araw na reserba mula sa dating siyam na araw na itinakdang requirement.