ENGKUWENTRO │NPA at Militar, nagkabakbakan sa Abra

Manila, Philippines – Sugatan ang isang sundalo habang hindi pa matukoy ng militar kung ilan ang sugatan o nasawi sa panig ng mga miyembro ng New People’s Army matapos na magkasagupa ang tropa ng 24th Infantry Batallion ng 5th Infantry Division ng Philippine Army at NPA sa Sitio Nagas-asan, Brgy Ud-udiao, Sallapadan, Abra.

Sa ulat ng Northern Luzon Command alas-2:45 ng hapon kahapon habang nagsasagawa ng security patrol ang mga sundalo ay nakasalubong at nakasagupa ang di matukoy na bilang ng mga terorista.

Ang mga miyembro ng NPA na naka-engkwentro ng militar ay mula sa Agustin Begnalin Command, Kilusang Larangang Gerilya (KLG) North Abra of the Ilocos-Cordillera Regional Party Committee (ICRC) na pinamumunuan ni Abdon Siddayao alyas Chico/Abdul/Rim.


Nagtagal ng ilang minuto ang sagupaan bago nagsitakas papalayo ang mga terorista.

Sa ngayon nagpapatuloy ang focus military operation sa buong Northern Luzon partikular sa mga lugar na may presenya ng mga NPA.

Facebook Comments