Monday, June 29, 2026

Pilipinas at US, nagsagawa ng ikalimang maritime cooperative activity sa West Philippine Sea ngayong taon

Matagumpay na nakumpleto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Pacific Command ang ika-limang Bilateral Maritime Cooperative Activity sa West Phillippine Sea nitong June 27 hanggang 28.

Kasama sa mga lumahok na assets ng Pilipinas sa nasabing aktibidad ang BRP Antonio Luna, Philippine Coast Guard (PCG) vessels BRP Melchora Aquino at BRP Capones .

Habang ang US naman ay idineploy ang kanilang Charles Moulthrope (WPC 1141) at Emlen Tunnell (WPC 1145).

Sa nasabing 2 araw na exercise ay nagsagawa sila ng serye ng interoperability activities kagaya ng Communication Exercises (COMMEX), Division Tactics (DIVTACS) / Officer of the Watch (OOW) Maneuvers, Photo Exercise (PHOTEX), Search and Rescue Exercise (SAREX) at Maritime Domain Awareness (MDA) activity.

Bilang ito ang ikalimang bilateral MCA na isinagawa ngayong taon, ang nasabing aktibidad ay napapakita ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos at ang patuloy na pagtuon ng dalawang nasyon sa pagpapaigting ng maritime domain awareness, pagpapalakas ng operational interoperability at pagsuporta sa rules-based international order sa Indo-Pacific region.

Facebook Comments