Friday, July 31, 2026

Evidence-based at right-based na kampanya laban sa iligal na droga, pangakong ipagpapatuloy ng PNP

Binigyang-diin ng Philippine National Police (PNP) ang matatag nitong pangako na ipagpatuloy ang isang evidence-based at rights-based na kampanya laban sa ilegal na droga .

Ito ay kasunod na makasamsam ng mahigit ₱122 bilyong halaga ng iligal na droga mula July 1, 2022 hanggang June 30, 2026 sa iba’t ibang operasyon sa buong bansa.

Kasabay nito, mahigit 206,000 drug suspect ang naaresto sa kabuuang 155,542 operasyon laban sa iligal na droga kung saan kabilang sa mga naaresto ang halos 13,000 itinuturing na high-value target.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang hamon noong apat na taon ay kung epektibo at matagumpay ang kampanya kontra iligal na droga habang nakaangkla ito sa batas at karapatang pantao.

Aniya, na-prove na ito ng PNP, marami na silang natutunan mula dito at ang maigting na koordinasyon sa ibang ahensiya na tiyak na ipagpapatuloy ng organisasyon.

Tiniyak naman ni Nartatez na patuloy ang pagtunton at pagbuwag ng PNP sa mga drug den sa buong bansa na may layuning maparalisa ang kakayahan ng mga sindikato na magsagawa ng kanilang operasyon.

Facebook Comments