Wednesday, July 29, 2026

PCG, pinag-iingat ang mga barko at mangingisda sa Hilagang Luzon dahil sa rocket launch ng China bukas ng umaga

Naglabas ng abiso ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa nakatakdang rocket launch ng China bukas ng umaga.

Batay sa maritime advisory ng PCG, sa pagitan ng 8:54 AM at 9:19 AM ang posibleng rocket launch ng Long March 6A ng China mula sa Taiyuan Satellite Launch Center sa Shanxi Province.

Inaasahan namang babagsak ang ilang bahagi ng rocket sa loob ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ) partikular sa layong 83 nautical kiles mula sa Dalupiri Island sa Cagayan, 88 nautical miles mula Babuyan Island, at 104 nautical miles mula Burgos, Ilocos Norte.

Dahil dito, pinag-iingat ng Coast Guard ang lahat ng maglalayag kabilang ang mga mangingisda at pinaiiwas muna sa naturang bahagi ng karagatan.

Sakali naman aniyang may makitang hinihinalang debris ay hinimok ang mga ito na agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na Coast Guard unit.

Facebook Comments