Friday, July 31, 2026

Pagsuspinde ng korte sa wage increase sa NCR, labag sa batas at labor code

Iginiit ni Kamanggagawa Party-list Representative Elijah “Eli” San Fernando na labag sa batas at labor code ang inilabas na status quo ante order o pagsuspinde ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) sa ₱85 na dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Diin ni San Fernando, malinaw na nakasulat sa Article 126 na wala dapat preliminary o permanent injunction o temporary restraining order ang pwedeng ilabas ng korte at alinmang entity sa anumang proseso sa Commission o Regional Boards.

Tinukoy rin ni San Fernando ang Article 123 ng Labor Code na anumang apela tungkol sa wage order ay dapat na dumaan sa National Wages and Productivity Commission ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaya walang hurisdiksyon dito ang Pasig RTC.

Ipinunto ni San Fernando na barya lang ang ₱85 dagdag sahod sa NCR na hulugan pang ibibigay at ngayon ay sinuspinde pa sa halip na makatulong sana kahit papaano sa mga manggagawa.

Nababahala rin si San Fernando na sa halip ipaglaban ni Labor Secretary Francis Tolentino ang kakarampot na umento sa sahod ay nagkukumahog pa itong sumunod sa iligal at walang batayang TRO ng Pasig RTC.

Facebook Comments