Thursday, July 30, 2026

Mahigit ₱2-M halaga ng umano’y smuggled na sigarilyo, nasamsam sa Zamboanga City

Nasamsam ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng Bureau of Customs (BOC) ang mga hinihinalaang smuggled na sigarilyo sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City.

Ayon sa ulat ng pulisya, nahuli nila ang isa minivan na may kargang 11 master cases at 140 reams ng umano’y puslit na sigarilyo .

Kung saan tinatayang nagkakahalaga ito ng mahigit 2 milyong piso.

Dahil dito, naaresto sa nasabing operasyon ang driver ng nasabing sasakyan matapos din na hindi makagbigay ng kaukulang dokumento mula sa BOC.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang nasabing naarestong indibidwal.

Facebook Comments