Thursday, June 25, 2026

Ex-Sen. Trillanes, sinagot ang hamon ng kampo ni Jay Sonza na huwag maging balat-sibuyas

Sinagot ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang hamon ng abogado ng dating broadcaster na si Jay Sonza kaugnay ng reklamong cyberlibel na isinampa nito sa Department of Justice (DOJ).
 
Kasunod ito ng pahayag ni Atty. Mark Tolentino na hindi dapat maging balat-sibuyas si Trillanes sa paghahain nito ng reklamo.
 
Ayon kay Trillanes, iyon na lamang ang gawin nilang depensa sa korte.
 
Sinabi ni Tolentino nang magtungo sila sa DOJ noong Lunes na isang public figure si Trillanes at hindi dapat maging balat-sibuyas.
 
Aniya, ito rin ang nakasaad sa kanilang rejoinder affidavit kaugnay ng reklamong libel na isinampa ni Trillanes laban kay Sonza.
 
Sa kasalukuyan, submitted for resolution na ang reklamong isinampa laban kay Sonza, kung saan kumpiyansa ang kampo nito na maibabasura ang kaso.

Facebook Comments