Thursday, June 25, 2026

PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa Venezuela kasunod ng mapaminsalang lindol

FILE PHOTO

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mamamayan ng Venezuela matapos yanigin ng magkasunod na malalakas na lindol ang bansa na ikinasawi ng hindi bababa sa 32 katao.
 
Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na nakikiisa ang Pilipinas sa Venezuela sa gitna ng matinding pagsubok.
 
Hangad din aniya ng sambayanang Pilipino ang kaligtasan ng lahat ng naapektuhan at ang mabilis na pagbangon ng mga apektadong komunidad.
 
Batay sa datos ng United States Geological Survey (USGS), unang tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa Yaracuy State, na sinundan, wala pang isang minuto ang lumipas, ng mas malakas na magnitude 7.5 na pagyanig.
 
Naramdaman ang lindol sa malaking bahagi ng Venezuela, kabilang ang Caracas, at maging sa mga karatig-bansa tulad ng Colombia at Brazil.

Facebook Comments