
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Justice sa Office of the Regional Prosecutor ng Eastern Visayas hinggil sa insidente ng pamamaril sa Tacloban City kaninang umaga.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, iniimbestigahan na ng Tacloban City Police Office ang insidente katuwang ang Office of the City Prosecutor of Tacloban.
Patuloy naman ang pangangalap ng mga detalye kabilang ang pagkakakilanlan ng mga biktima, mga sangkot at ang posibleng motibo sa pamamaril.
Sa ngayon aniya ay hahayaan muna ng DOJ ang mga law enforcement at prosecutors na makumpleto ang imbestigasyon alinsunod sa mga umiiral na batas lalo na ang mga probisyong may kinalaman sa mga batang nasasangkot sa paglabag sa batas.
Facebook Comments










