
Naniniwala si Atty. Ferdinand Topacio na hindi magiging praktikal kung isusuko ngayon sa Estados Unidos ang nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Topacio na isa sa legal counsel ni Quiboloy, sa kasalukuyang ay wala pa silang pormal na natatanggap na impormasyon kaugnay sa sinasabing extradition request.
Sakali naman aniyang hilingin nga ay sinabi ng abogado na dadaan pa ito sa mga batas tungkol sa extradition sa bansa partikular ang Presidential Decree 1069 at mga mekanismong inilatag ng Korte Suprema noong nakaraang taon.
Sa ilalim aniya nito, kinakailangan munang sumalang sa korte para malaman kung maaaring ipatupad ang treaty at kungay hurisdiksyin laban kay Quiboloy.
Ipinunto rin ni Topacio na may kinakaharap pa na kaso sa Pilipinas si Quiboloy kaya malabo pang i-extradite ito maliban na lamang aniya kung isuko nanaman ng Pilipinas ang hurisdiksyon sa dayuhang kapangyarihan.
Nakahanda rin daw silang ipagtanggol ang karapatan at interes ni Quiboloy sa ilalim ng Konstitusyon at iba pang umiiral na batas.










