
Pinabulaanan ni Senator Ping Lacson na wala siyang sinabi na dapat matapos na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Disyembre.
Ito ay matapos na ihayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kahapon na sinabi ni Lacson na pagkatapos ng impeachment trial sa Disyembre ay may kasong nakasampa na laban sa kanya at may mga banta sa mga myembro ng oposisyon.
Giit ni Lacson, wala siyang sinabing ganito lalo na ang dapat ay matapos ang impeachment sa Disyembre.
Pagdidiin ni Lacson, wala siyang kapangyarihan o impluwensya na diktahan ang timeline ng paglilitis.
Naunang nagsumite si Lacson at ang kanyang staff sa Office of the Ombudsman ng hindi bababa sa 45 case studies kaugnay sa “systemic anomalies” sa mga flood control infrastructure projectss at mga ebidensya rin ng umano’y illegal reclamation at ghost projects sa Taguig City.










