Monday, September 14, 2026

Defense team, nilinaw na ang pagtatanong sa political color ng testigong si Ret. Justice Amparo Cabotaje-Tang ay para malaman kung may biased ito

Nilinaw ng Defense team ni Vice President Sara Duterte (VPSD) na ang pagtatanong nila sa political color ng witness na si Ret. Sandiganbayan Justice Amparo Cabotaje-Tang ay para malaman ang kredibilidad nito sa nagpapatuloy na Impeachment Trial sa Senado.

Ayon kay Defense Counsel Atty. Michael Poa, ang paraan ng pagtatanong ng depensa ay para lamang matukoy kung may biased ito.

Ayon pa kay Poa, sa pagtukoy talaga ng kredibiidad ng testigo ay nasa appreciation pa rin ito ng impeachment court.

Nabatid na kinwestisyon ni Defense counsel Mark Vinluan si retired Sandiganbayan Justice Cabotaje-Tang kung na-disappoint ba ito na hindi sya in-appoint sa administrasyon ni dating Pangulong Duterte matapos ang makailang ulit na pag-a-apply nito sa Korte Suprema, kung siya ba ay anti-Duterte at siya ba ay isang ‘Kakam-pink’.

Sinagot naman ito ni Cabotaje-Tang na siya ay apolitical o walang kinikilingang partido sa usapin ng pulitika.

Facebook Comments