
Agad na ipinag-utos ni Public Works Secretary Vince Dizon sa mga tauhan nito ang mga nasirang kalsada at tulay bunsod ng nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Dizon, nais nilang masiguro na hindi maantala ang paghahatid ng tulong sa lahat ng lugar na naapektuhan ng malakas na lindol kung saan ang ilang tulay na pansamantalang isinara ay binuksan agad matapos ang ilang pagsusuri.
Kabilang rin sa iniutos ni Dizon ang pag-mobilize ng lahat ng heavy equipment ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lugar upang makatulong sa paglilinis ng mga debris sa mga gumuhong gusali sa siyudad.
Una ng inihayag ng DPWH na umabot na sa humigit-kumulang ₱1 bilyon ang pinsala sa General Santos City pa lamang matapos ang nasabing lindol.
Kaugnay nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DPWH sa mga local government unit para tukuyin ang mga critical na gusali.
Ito ‘y para magsagawa ng damage assessment, at tiyakin ang kaligtasan ng imprastraktura sa gitna ng posibleng aftershocks.










