Tuesday, June 9, 2026

PNP sa Mindanao, naka-heightened alert para tumulong sa mg apektado ng lindol

COURTESY: PNP Davao Sur Police Provincial Office/Facebook

Isinailalim sa heightened alert ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng kanilang personnel sa Mindanao matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani kahapon, June 8.

Ito ay para makapagbigay tulong ang PNP sa evacuation, seguridad ng mga kritikal na imprastraktura, at relief operations sa mga apektadong lugar sa Mindanao.

Dagdag pa rito, patuloy rin na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa Office of Civil Defense (OCD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at mga lokal na pamahalaan para masiguro ang malakas na koordinasyon at maagap na pagresponde sa mga nangangailangan sa Mindanao.

Samantala, hinimok naman ng PNP ang publiko na sundin ang evacuation instructions at unahin ang kaligtasan, habang patuloy na mino-monitor ang sitwasyon sa Mindanao.

Facebook Comments