Vaccinated na si muning at si bantay, dahil sa ikinasang Veterinary Medical Mission sa bayan ng San Quintin noong nakaraang Miyerkules,September 10, 2026.
Sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office, ang mga alagang hayop ay nabigyan ng mga pangunahing medikal na serbisyo gaya na lamang ng kapon, spay para sa mga babaeng pusa, medical treatment, anti-rabies vaccination, at pagbibigay ng mga bitamina.
Samantala, nagsagawa rin sila ng isang educational campaign para isulong ang tamang pag-aalaga sa mga hayop na ito, upang masiguro ang kanilang kapakanan at tamang kalusugan.
Dahil ang mga aso at pusa ay hindi lamang basta mga hayop na kasama natin sa bahay kundi parte na rin ng ating pamilya kaya marapat lamang na mabigyan sila ng tamang nutrisyon at pag-aalaga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







