
Pag-uusapan ngayon ng Department of Energy (DOE), National Power Corporation (NAPOCOR) at Aboitiz Power Corporation ang posibleng pagpirma ng memorandum of understanding para sa nuclear energy development sa bansa.
Ayon sa DOE, maghahanap ang mga ito ng mga lugar kung saan posibleng magpatayo ng nuclear power plants.
Kabilang sa mga ikinokonsidera ng DOE ang naudlot na Bataan Nuclear Power Plant na ipinatayo ng Marcos Sr. administration.
Ang planong pagsasanib puwersa ay layong mapalakas ang evidence-based at ang pag-aralan ang diskarte na ginagamit sa ibang bansa para sa nuclear energy development na puwede ring gamitin sa Pilipinas.
Kasama na rito ang pag-assess sa pagtatayuan ng power plant, seguridad, regulatory readiness at infrastructure requirements bilang pagsunod sa International Atomic Energy Agency (IAEA) standards.
Ang pagsisikap ng bansa para sa pagsasakiksik sa ligtas at sustainable nuclear energy options ay bahagi ng long-term energy mix simula 2032.
Sa pamamagitan naman ng pakikipag-ugnayan sa mva government at private sector stakeholders, tiniyak ng DOE na patuloy ang pagsusulong nila sa pangmatagalang energy security, matatag na suplay ng kuryente at ang clean energy development para sa lahat ng mga Pinoy.










