Thursday, May 28, 2026

Higit P210-B investments para sa Pilipinas, naselyuhan sa Japan state visit ni PBBM

Higit 210 billion pesos o 3.4 billion dollars halaga ng investment mula sa mga Japanese businessmen ang naselyuhan ng Pilipinas kasabay ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan.

Nakuha ito sa isinagawang high-level business roundtable meeting sa Tokyo kung saan personal na nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga Japanese investors.

Target ng mga pamumuhunan ang manufacturing, renewable energy, turismo, infrastructure, at iba pang industriya na inaasahang lilikha ng trabaho para sa mga Pilipino.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, handa ang Pilipinas na maging sentro ng smart manufacturing at green investments sa ASEAN.

Sinabi naman ni Tourism Secretary Dita Angara-Mathay, nakikita rin ng Japan ang malaking potensyal ng Pilipinas sa tourism at hospitality sector.

Kabilang sa mga kumpanyang Hapon na patuloy na namumuhunan sa bansa ang All Nippon Airways, Toyota, Mitsubishi Corporation, Marubeni, Panasonic, at Fast Retailing.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga Japanese investors sa patuloy na pagtitiwala sa ekonomiya ng Pilipinas at sa pagbibigay ng oportunidad at trabaho sa mga Pilipino.

Facebook Comments