Thursday, May 28, 2026

Malacañang, nagdeklara ng special non-working days sa limang lugar sa Hunyo

Nagdeklara ang Malacañang ng special non-working days sa limang lugar ngayong Hunyo kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang mga anibersaryo at espesyal na okasyon.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1260, idineklarang special non-working day ang Hunyo 6, 2026 sa Bamban, Tarlac para sa pagdiriwang ng Bamban Day.

Sa Proclamation No. 1261 naman, idineklara ang Hunyo 16 bilang special non-working day sa Lungsod ng Bogo, Cebu kaugnay ng Charter Anniversary nito.

Samantala, sa ilalim ng Proclamation Nos. 1262 at 1263, idineklara ring special non-working day ang Hunyo 17 sa Quirino, Isabela at Maco, Davao de Oro dahil sa pagdiriwang ng kani-kanilang ika-59 na founding anniversary.

Idineklara rin sa ilalim ng Proclamation No. 1259 ang Hunyo 23 bilang special non-working day sa Tabuk, Kalinga para sa founding anniversary nito.

Ayon sa Malacañang, layunin ng mga deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makiisa at makapagdiwang sa kani-kanilang okasyon.

Facebook Comments