
Ngayong Lunes inaasahang ilalabas ng Korte Suprema ang mga paliwang ng mga mahistradong bumoto sa pagbasura sa hiling na temporary restraining order ng kampo ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, wala pa ring desisyon ang Kataas-taasang Hukuman hinggil sa pangunahing petisyon na inihaing noong nakaraang taon.
Partikular ito sa pagkwestiyon sa pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) matapos ipaaresto at ipadala sa The Hague, Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi rin ng SC na take out of context ang naging pahayag ni Senior Associate Justice Marvic Leonen sa isang pulong kasama ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Mindanao State University sa Marawi City nitong weekend.
Nag-viral kasi ang naturang pahayag ni Leonen kung saan ngayong araw umano ilalabas ng SC ang desisyon sa ICC.










