Thursday, May 28, 2026

DILG, inatasan ang mga LGUs na pabilisn ang proseso sa pag-apruba sa Renewable Energy projects sa buong bansa.

Pinabibilisan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) ang pag-apruba sa mga proseso sa Renewable Energy (RE) projects sa buong bansa.

Sa isang memorandum circular, naglatag ang DILG ng mas pinaigting at mas epektibong mga panuntunan para sa pagkuha ng mahahalagang documentary requirements, upang magbigay ng mas malinaw na proseso para sa mga aplikanteng humihingi ng pag-apruba ng mga renewable energy (RE) projects sa lokal na antas.

Kabilang sa mga proyektong renewable energy (RE) ang pagpapaunlad ng mga imprastraktura tulad ng energy storage systems, solar, wind, hydro, geothermal, biomass, at iba pang renewable energy sources na lumilikha ng malinis na enerhiya.

Ayon sa DILG, layunin ng hakbang na bawasan ang hindi kinakailangang pagkaantala, alisin ang mga paulit-ulit na documentary requirements, at mapabuti ang koordinasyon sa pagitan ng mga national government agencies at mga LGU bilang suporta sa renewable energy goals ng bansa.

Kinakailangan na aksyunan ng LGU ang RE applications sa loob ng 45 working days mula sa receipt of complete requirements.

Kung hindi naman aaprubahan ng LGU, kinakailangan na magbigay ng written justification at espisipikong remedial measures na kinakailangan na gawin ng aplikante

Facebook Comments