Wednesday, September 9, 2026

Permiso ng korte, kailangan na rin sa mga biyahe ni VP Sara —Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na hindi lang ang Office of the President (OP) ang kailangang magbigay ng pahintulot sa pagbiyahe ni Vice President Sara Duterte ngayong nahaharap ito sa kasong grave threats.

Ayon kay Palace Press Office Usec. Claire Castro, maaari ring kailanganin ni Duterte ang permiso ng korte dahil may nakabinbin siyang criminal case.

Hindi aniya napag-uusapan kung magbabago ang konsiderasyon ng OP sa travel authority ng Bise Presidente.

Dagdag pa ni Castro, kung may travel restriction mula sa korte, hindi sapat ang pahintulot ng OP para makabiyahe si Duterte.

Facebook Comments