
Naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit 10 milyong indibidwal na apektado ng habagat na pinalakas pa ng mga nagdaang Bagyong Luis, Maymay, at Neneng.
Base sa datos ng DSWD – Disaster Response Management ala-sais noong Huwebes, Sept. 3, mula ito sa mahigit 6,000 na barangay na sakop ng National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Eastern at Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Samantala, pansamantala namang namamalagi sa 903 evacuation centers ang mahigit 71,000 evacuess, habang mahigit 100,000 katao naman ang nasa labas ng evacuation centers at pansamantalang nakikitira sa mga kakilala, kamag-anak o kaibigan.
Walang patid naman ang paghahatid ng tulong ng DSWD sa mga apektadong indibidwal, kung saan umabot na sa ₱1.77 billion ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi, habang nagpapatuloy pa ito gamit ang ₱4.73 billion na available resources ng ahensiya.










