
Sa budget hearing ngayon ng House Committee on Appropriations at nagpaliwanag ang Department of Transportation (DOTr) sa nangyaring ilang araw na pagbaha at matinding problema sa trapiko sa North Luzon Expressway o NLEX.
Sa pagtatanong ni Akbayan Rep. Perci Cendaña ay ipinaliwanag ni DOTr Sec. Giovanni Lopez na ang pagbaha ay dulot ng malakas na pag-ulan, pag-apaw ng Pampanga River, at tubig mula sa Pantabangan Dam.
Sabi ni Lopez, pinagpapaliwanag na nila ang NLEX management at napagkasunduan ang pagreimburse sa toll na binayaran ng mga motoristang naperwisyo ng sitwasyon.
Diin ni Lopez, magpatutupad din ng toll holiday hangga’t hindi nasosolusyunan ang problema.
Ipinaliwanag din ni Lopez na hindi agad naipatupad ang pagsuspinde sa toll collection dahil may proseso para dito na dapat ay naaayon sa toll operations agreement.










