
Mahiya naman kayo.
Ito ang sagot ni Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. sa liham na mula umano sa China sa ginanap na Seoul Defense Dialogue (SDD) 2026 sa Seoul, South Korea.
Sa video na pinost sa Department of National Defense (DND), makikitang sumasagot sa plenaryo ng SDD si Teodoro nang maantala ito dahil may biglang nag-abot sa kanya ng isang papel.
Nakasaad sa papel ang patungkol sa posisyon ng China sa Arbitral Ruling sa West Philippine Sea.
Ayon kay Teodoro, dapat na magpakadisente naman nang konti, mahiya naman nang konti ang China lalo na sa host country ng nasabing forum.
Dagdag pa niya,kailangan yata ng basic decency at behavior ng China sa ginawa nito at agpapakita lang ito na kawalan ng respeto ng China sa International Law.
Facebook Comments










